Monday, August 24, 2009

PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco (Pilipino Star Ngayon) Updated August 24, 2009

PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco
(Pilipino Star Ngayon)
Updated August 24, 2009

Pinaiiral na rin pala ng isang komedyana ang pagiging ‘restrictive at demanding’ sa mga tanong sa kanya during TV interviews. No-no para sa kanya ang may kinalaman sa kanyang personal na buhay, only questions related to the movie.

‘Yun ay sa kabila ng mga nailathala nang items tungkol sa kanya, kesyo wala raw siyang natatan­daang sagot sa mga personal na tanong na ‘yon. Okay, fine. Magaling naman siyang komedyana, no doubt about it.

Ang hindi ko lang maintindihan: she’s a state university alumna, pero sablay siya sa Q & A portion na kung tutuusin, puwede naman niyang baklain and still sound intelligent.

---------------------------

Top Suspect: Eugene Domingo

Other Possibilities: Giselle Sanchez, Tuesday Vargas (note, all three above are UP alumni!)

No comments:

Post a Comment