Thursday, July 1, 2010

Oh my G! by Ogie Diaz, in Pinoy Parazzi (07/01/10)

Sitcom nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na tuloy dahil kay Toni Gonzaga! *new*
July 1, 2010
http://www.pinoyparazzi.com/sitcom-nina-robin-padilla-at-mariel-rodriguez-%e2%80%98di-na-tuloy-dahil-kay-toni-gonzaga/


BLIND ITEM: NAKAKABILIB ang isang hunk actor. Kahit patuloy itong nali-link sa isang hunk actor, he doesn’t care. “Hindi naman kasi totoo. Mabait lang ‘yung tao sa akin, pag-iisipan na agad ng masama.”

Kahit kami, naniniwalang magkaibigan lang ang dalawa. Nakakalungkot lang na ‘yung isang hunk actor, kahit sino na lang ang tsikahing aktor, ili-link na agad. Meron na agad malisya, kaya nakakaawa rin naman ang aming “kumpare.”

Pero kung iaanalisa mo, kahit pa sabihing bading ang hunk actor na ‘to, ba’t gano’n? Pantasya pa rin siya ng mga bading? Tsismis sila nang tsismis na bading ito, eh, kasi nga, hindi nila mahada, kaya ‘yung pulutanin ang isyung bading, ito ang kaya lang nilang gawin.

------------------------------

Top guesses

Linked Hunk Actor: Yul Servo
Rumored Gay Hunk Actor (who isn't): Piolo Pascual

From Papa Azzi, Pinoy Parazzi (07/01/10)

http://www.pinoyparazzi.com/grand-inauguration-ni-p-noy-sinabayan-ng-grand-exit-ni-kris/


SIPAT: PINATAHIMIK ng MANAGEMENT si AKTRES para TIGILAN na ang PAGPATOL sa isa pang AKTRES.

EKLAT: OR ELSE… TSUGI ang IBA pa niyang RAKET!

Top guess: Pauleen Luna

Saturday, June 19, 2010

Aktor, mapagbigay sa mga bading
http://www.abante-tonite.com/issue/june1910/entertainment_story3.htm


KAYA raw nakipaghiwalay ang isang seksing TV host sa kasintahan niyang morenong aktor ay dahil nadiskubre ni seksing TV host na ang morenong aktor ay dyowa ng isang mil­yonaryong bading.Ang milyonaryong bading ay artista rin at mas guwapo sa ex ng seksing TV host.Ang ex ni seksing TV host ay dating modelo at noon pa man ay mapagbigay sa mga juding.Noong 16-anyos pa lang siya at sumali sa isang kilalang modeling contest, dyowa na niya ang isang bading na ta­lent manager.

Top guesses:
seksing TV host: Mariel Rodriguez; Daiana Menezes
ex-bf na dating modelo: Zanjoe Marudo; Carl Guevarra
milyonaryong bading: ?

Welcome to Pinoy Blind Items Exposed!

Hello kapusos, kapamilyas, kapatids and movie aficionados!

Here we can discuss the latest in Pinoy showbiz news and intrigues, especially blind items regarding showbiz personalities.

I will post an annotated copy of these blind items (with link and author), and we can help each other solve several of them. They will still remain speculation, of course, but we here are bound by opinion rights and are generally allowed to talk smack.

Have fun, everyone :)

For inquiries and suggestions, please email me at fie_cherry@yahoo.com

Sunday, January 3, 2010

PeepingToms: Can't take my eyes off you

Can’t take my eyes off you
Filed under: Blind Item — admin at 8:55 pm on Tuesday, December 22, 2009

Text: Trish Alvarez/ Illustration: Rommel Llanes/ Colors: Mark Pimentel


Sa isang party na naganap kamakailan, ito ang na-obserbahan ni peeping tom

















Ayan, isang medyo NENE pa ang nakitang umaaligid-aligid sa isang TANDERS.

Bago kayo mag-isip ng masama, hayagan nating sasabihin na wala silang relasyon.
Hindi rin si NENE ang mga tipong babae ni TANDERS.
Wala rin sa tipo ni NENE ang pumatol sa TANDERS.

Pero ang nakapagtataka, bukod sa nagmistulang guwardiya si NENE ni TANDERS, aakalain mong tila may “gusto” si NENE kay TANDERS?
Bakit kaya? Bunsod ba ito ng matinding pangangailangan?

Para sa karagdagang clue, bisitahin ang PODCAST. Isa sa mga larawan doon ay kaparehong na-link ni NENE sa isang budding-sinking actor.


-----------------------------------------


Checking the podcast, we see only two young adult pictures: those of Katrina Halili and Anne Curtis. "Budding-Sinking actors" linked to both are any of the ff: Oyo Boy Sotto, Lucky Manzano, Mark Herras, Richard Gutierrez, Andrew Schimmer, singer Kris Larwence and other more dubious characters like Mike Magat and Katrina's scion ex, Bullet Jalosjos. Among these men, a thousand possibilities could emerge, but most evidence leans towards the Kapuso network.

The "tanders" could be a politician or a veteran actor.

SIDE NOTE: I still have faith in the rejuvenation of Katrina Halili's career... I'm a huge fan :(

Monday, August 24, 2009

PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco (Pilipino Star Ngayon) Updated August 24, 2009

PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco
(Pilipino Star Ngayon)
Updated August 24, 2009

Pinaiiral na rin pala ng isang komedyana ang pagiging ‘restrictive at demanding’ sa mga tanong sa kanya during TV interviews. No-no para sa kanya ang may kinalaman sa kanyang personal na buhay, only questions related to the movie.

‘Yun ay sa kabila ng mga nailathala nang items tungkol sa kanya, kesyo wala raw siyang natatan­daang sagot sa mga personal na tanong na ‘yon. Okay, fine. Magaling naman siyang komedyana, no doubt about it.

Ang hindi ko lang maintindihan: she’s a state university alumna, pero sablay siya sa Q & A portion na kung tutuusin, puwede naman niyang baklain and still sound intelligent.

---------------------------

Top Suspect: Eugene Domingo

Other Possibilities: Giselle Sanchez, Tuesday Vargas (note, all three above are UP alumni!)

Friday, August 21, 2009

Nadulas, actress tinawag na tomboy

Nadulas, actress tinawag na tomboy
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated August 22, 2009


Ang lakas ng tawa ng press na nakaalam sa one-liner reaction ng isang pro­ducer sa “I only work for my home studio” na sagot ng sikat na aktres nang i-offer ng producer ang isang importanteng role sa gagawin niyang pelikula.

Ang sagot ng producer ay simpleng “’Yang tomboy na ‘yan” na talagang tinawanan ng press.

In fairness, hindi tomboy ang aktres at nasabi lang ‘yun ng producer bilang initial reaction. May mga naka-relasyon na rin naman ang aktres at wala pa namang tsismis na tomboy siya at bulaklak ng dila lang yun ng producer.

Maliit ang showbiz at malay natin, isa sa mga araw na ito ay gumawa rin ng pelikula ang aktres sa movie company ng producer. Pero sa ngayon, malabo itong mangyari dahil sa palitan nila ng comment.

---------------------------------

Top Suspect: Bea Alonzo (presscon for "And I Love You So")

Other Possibilities: Kris Bernal, Melissa Ricks

Email me at fie_cherry@yahoo.com for suggestions :)